Question:
May nagsabi na ba sa’yo na hindi mo kaya o hindi mo dapat gawin ang ilang mga bagay dahil sa ‘yong kasarian? I-share ang experience mo. Anong naramdaman mo? Anong natutunan mo mula rito?

1st Place: Liancei

“Huwag matakot maging ikaw.” Yan ang matututunan sa informational video ng #MalayaAkongLumikhaWeek5 1st Placer na si Liancei.

Ayon sa kanya, hindi dapat hayaang diktahan ng iyong kasarian o ng ibang tao ang kakayahan o abilidad mo na gawin ang isang bagay. Be yourself!

Panoorin ang video para matuto pa.

Salamat at congratulations sa nakaka-motivate na mensahe mo para sa mga kabataan, Liancei!🥰

2nd Place: Michael Monterubio

2nd Place Michael Monterubio

Hanggang ngayon, marami pa ring naniniwala na ang pag-iyak at pagpapakita ng kahinaan ay para lamang sa mga babae. Ngunit hindi! Ang mga lalaki, tulad ng mga babae, ay mayroon ding damdamin na dapat kilalanin at irespeto. 

Sa comics strip na ginawa ng 2nd Place Winner ng #MalayaAkongLumikhaWeek5 na si Michael Monterubio, binigyang diin niya na ano man ang sabihin ng iba, may karapatan kang maglahad ng damdamin regardless of your gender. 

Ang pagpapakita ng emosyon, kasama na ang pag-iyak, ay hindi isang kahinaan. Sa halip, ito ay nagpapakita ng katapangan at katapatan sa sarili.Isang hakbang ito tungo sa mas malalim na pagkilala at pagtanggap sa sarili. 

Maraming salamat Michael, at congratulations!🥳

3rd Place: Densy Ann Solis

3rd Place Densy Ann Solis

Delikado nga ang pagsabit sa jeep… pero wala namang nagsabing mga lalaki lang ang pwedeng gumawa nito lalo na kapag uwing-uwi ka na, di ba?😅 

Yan ang ipinahihiwatig ng 3rd Place winner ng #MalayaAkongLumikhaWeek5 na si Densy Ann Solis sa gawa niyang comics nang minsan siyang mahuli ng kanyang kuya na nakasabit sa jeep. Basahin ang kwento rito 👇🏼
____
Babae ka! Hindi babae lang! 

Gaya ng iba, naranasan ko na ring pagbawalang gawin ang isang bagay dahil sa ako’y “babae lang”.

Tulad na lamang noon sa paglalaro ng mga videogames, stickers at jolens, isa sa mga ayaw nilang kadalasan kong ginagawa ay ang pagsabit sa likuran ng jeep. Dahil sa impluwensya ng kapatid kong lalaki, natuto akong sumakay na nakatayo at nakasabit sa jeep o kaya’y tricycle. Ilang beses ko na itong ginawa at ilang beses na rin akong pinagsabihan na si kuya lang ang maaaring gumawa nito. I know my parents are concerned about my safety pero sabi nga ni Pura Villanueva Kalaw, “What a man can do, a woman can do as well.”
____
Kapag kaya ng mga lalaki at tingin mong kaya mo rin, go lang!, Basta alam mong kaya mo at hindi mo ikapapahamak.💯 Salamat at congratulations, Densy!