Question:
Ano ang pinaka nakakatawa o nakakahiyang experience mo sa puberty at ano ang natutunan mo mula rito?

1st Place: Renz Maverick Agapito

“Teka, normal pa ba ito?” 🎶

Napakanta nalang sa pagkalito ang #MalayaAkongLumikhaWeek3 1st Placer na si Renz Maverick Agapito nang mapansin niyang maraming nagbabago sa kanyang katawan during puberty.

Sa witty lyrics at lighthearted tune ng kanyang original composition na “Normal Pa Ba Ito?”, shinare niya ang struggle ng pagpiyok at paglalim ng kanyang boses pati na rin ang nakakainis na tigyawat na kung saan-saan tumutubo sa kanyang dating makinis na mukha 🥲

Mahalagang tandaan na nakakalito man ang mga pagbabagong ito, don’t panic! Normal at parte talaga ng puberty ang lahat ng ito. 👌🏼 Kaya share this song to your friends na!

CONGRATULATIONS at salamat sa fun and witty song, Renz! 🥳

2nd Place: Cyrus Gil "Siway" Moron

Isa sa pinakamalaking insecurity ng kabataang nakakaranas ng puberty ay ang pagkakaroon ng pimples. Yung tipong kahit di ka naman in love, pini-pimples ka.🥲 Ganito ang naging karanasan ni Siway Moron, ang 2nd Placer ng #MalayaAkongLumikhaWeek3.

Kwento niya sa video entry na itinulad sa reality program na Pinoy Big Brother, minsan pa nga raw siyang napagkamalang unhygienic kahit naliligo naman siya araw-araw. 😅 Mahalagang tandaan na ang pagkakaroon ng pimples ay natural na parte ng puberty at hindi dapat ito ikahiya. May mga paraan din para ma-manage ito kaya don’t worry!

Congratulations at salamat sa pag-share ng iyong kwento Siway!

3rd Place: Alice Genesis

#MalayaAkongLumikhaWeek3 Winner 3rd

Minsan nakakagulat talaga yung changes na dulot ng puberty, ‘no? 😱 Mula sa ‘di magkasyang damit, pagtubo ng buhok sa katawan, at pagkakaroon ng period. Kaya hindi talaga maiiwasan ang mga puberty bloopers! Oks lang to. 👌🏼 Basahin ang karanasan ng #MalayaAkongLumikha 3rd Placer na si Alice Genesis 👇🏼
—-
Ang nasa komik art na aking nagawa ay tungkol sa ilan sa mga nakakahiya/nakakatawang experiences ko sa pagdadalaga o puberty.

Gaya na lamang ng nasa unang bahagi ng komiks, may damit akong “Palawan 2015” na matagal nang nawawala. Tapos 3 years after, nakita ko sa aparador ng kapatid ko yung damit na yun. Kaya sinukat ko ulit. Kaso crop top na siya. Plus may buhok na ako sa kili-kili. TT.TT

Pangalawang litrato naman (nasa baba), yun yung unang araw na dinatnan ako ng regla. Yung mama ko that time OFW Panganay pa akong babae, so wala akong idea tungkol sa regla. Nagkaroon ako sa simbahan namin!. Unang suot ko ng napkin, baliktad pa. Imbis na yung dikit ay nasa underwear, hindi ko doon nilagay. Kaya nung binanggit ko sa lola ko, natatawa rin siya.

Natutunan ko, base sa experience ko sa aking puberty, na mahalaga ang maging handa lalo sa mga kababaihan – na magkaroon ng kaalaman tungkol sa first menstruation. Halimbawa: ano ang mga dapat gawin at hindi. Lalo na sa mga haka-haka na dapat iwasan, katulad na lamang ng paghihilamos ng unang regla upang hindi tigyawatin. Importante rin na malaman ng mga kabataan na ito ay senyales na maaari nang mabuntis ang isang babae kapag siya ay nakipagtalik na. Mahalaga ang may alam at mahalaga rin ang gabay ng nakatatanda.

Congratulations, Alice at salamat sa pag-share sa amin ng experiences mo at ng mga natutunan mo during your puberty journey. 🥳