Kahit pa nireregla, may posibilidad pa ring mabuntis ang isang babae kapag nakipagtalik nang walang contraceptives. Dalawa kasi ang obaryo ng babae at salitan itong naglalabas ng hinog na itlog, at pwedeng maglabas ang isang obaryo ng hinog na itlog habang nireregla o pag tapos na ang regla. Tandaan, karamihan sa mga kabataan ay hindi pa regular ang menstruation sa mga unang ilang taon, kaya hindi pa matantiya kung kelan ang kanilang ovulation. Isa pa, nabubuhay ang sperm sa matris ng babae hanggang 5 na araw, kaya kung maaga maglalabas ng hinog na itlog ang obaryo ng babae, maaari silang magsanib at maaaring may fertilization at pagbubuntis na magaganap.