“Hmm… Ano kayang kulay ng face mask ang mas bagay sa pink na damit? White ba o black? Hay! Ang hirap naman mag-isip ng OOTD! ‘Wag na rin kaya akong maglagay ng make-up tutal matatakpan din naman.” Reklamo ni Elaine*.

Kung noon ay struggle na ang mag matchy-matchy ng isusuot na damit, ngayon nadagdagan pa ‘yan ng struggle sa pagpili ng babagay na kulay at klase ng face mask. Pero hindi lang ✨aesthetic✨ ang dala ng pagsusuot ng face mask. Bukod sa essential at parte na ito ng basic outfit of the day o OOTD ng mga tao, kaya ka rin nitong protektahan mula sa COVID-19 virus

Bakit ba kailangang mag-face mask?

We get it. Hassle talaga ‘to. Napaka-humid nga naman sa Pilipinas kaya kapag naka-face mask ka ‘matic na mamamawis at maglalangis ka talaga. Pero kahit mediyo nakaka-ilang ito, kabilang ito sa mga basic health protocols na dapat sundin tuwing pupunta sa mga pampublikong lugar.

Ayon sa isang pag-aaral, at least 70% na mas mababa ang chance na mahawa sa COVID-19 ang isang taong naka-face mask, lalo na kapag sinabayan ng tamang physical distancing. May dalawang main functions ang face mask:

  1. Bawasan ang pagkalat ng bilang ng respiratory droplets sa hangin.
  2. Limitahan ang bilang ng droplets na mai-inhale o malalanghap ng isang tao. 

Dahil ang COVID-19 ay nasa respiratory droplets at isa sa mga paraan para maipasa ito ay ang pagbahing, pag-ubo, at pagsasalita ng isang taong infected, mababawasan ang risk na makuha at maipasa mo ito kapag mayroon kang suot na face mask. 

Sa ngayon, hindi na requirement sa maraming parte ng mundo pati sa atin sa ‘Pinas ang mag-face mask sa labas, pero mainam parin itong gawin kung gusto natin mag doble ingat, lalung-lalo na sa matataong lugar at siyempre sa loob ng mga establishments kung saan hindi gaanong maganda ang ventilation o daloy ng hangin. Konting tiis kasi it’s for your safety pati na rin sa mga nakapaligid sa atin.

Iba’t ibang klase ng face masks

Simula nang magkaroon ng pandemic, tumaas na ang demand para sa mga face masks. Naglipana din ang iba’t ibang klase ng face masks: may surgical mask, respirator masks, cloth mask, at may iba ring gumagamit lang ng bandana o panyo bilang makeshift mask.

Pero alin nga ba sa mga face masks na ito ang pinaka the best para protektahan ka mula sa COVID-19 virus. Narito ang gabay:

1. N95, KN95, KF94

Sila ‘yung pangmalakasang mask! Ang mga mask na ito ay kabilang sa respirator masks na madalas ginagamit ng mga frontliners sa trabaho. Pero may mga iba ring gumagamit nito sa pang araw-araw. At ang good news ay naglalabas narin ang mga manufacturer ng iba’t ibang klase (3D, 5D, atbp.) at kulay. Ang saya!

N95 KN95 KF94

2. Surgical mask

Ito yung tipikal na mask na madalas na ginagamit ng mga healthcare professionals bago magka-COVID-19 pandemic. Dati blue and white lang ang kadalasang kulay na meron nito, ngayon pati black, rainbow colors, at printed ay meron na rin.

Surgical mask

3. Cloth mask

Ito siguro ang mask na pasok sa OOTD ng mga mahilig pumorma. Ang daming designs, ang daming kulay, at pwede ka pang mag DIY! Pwede itong labhan at i-reuse.

Cloth mask

O, siguro naman gets mo na ‘yung importansya at effectiveness ng paggamit ng face mask? Bukod sa pagsusuot nito, dapat sabayan mo rin ito ng iba pang health protocols gaya ng palagiang paghugas ng kamay at pagpapa-vaccine at pagpapa-booster para mas solid yung protection mo from COVID!

#MalayaAkongMaging LIGTAS

Hindi na ngayon panira sa OOTD ang pagsuot ng face mask kasi marami nang creative ways para isama siya sa iyong look!  Kaya mask up parin mga bhie! ‘Wag maliitin ang kakayahan nitong bigyan ka ng proteksyon sa kumakalat na airborne virus na COVID-19.